P35-M COCAINE, NALAMBAT NG NAGPI-PICNIC NA PAMILYA

(NI JG TUMBADO)

TINATAYANG nagkakahalaga ng P35milyon ng cocaine ang narekober ng mga awtoridad sa bayan ng Mauban, Quezon Linggo ng hapon.

Pitong bloke ng cocaine na humigit-kumulang sa pitong kilo ang natagpuan sa baybayin ng Sitio Bulwagin sa Barangay Cagsiay Uno.

Ayon kay Police Lt. Col. Julio Reyes Go, hepe ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), unang nadiskubre ang mga ilegal na droga ng isang mangingisdang si Ruel Sendon Perez, 44, residente sa lugar habang nagpi-picnic ito kasama ang kanyang pamilya bandang alas-12:30 ng tanghali. Agad itong ipinaalam sa mga awtoridad ang insidente.

Ang naturang mga kontrabado ay nakabalot sa packaging tape nang matagpuan at dinala na sa Quezon Crime Laboratory para isailalim ang mga ito sa pagsusuri.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment