P34-M SHABU NASAMSAM SA MALAYSIAN, 2 PA, SA TAWI TAWI

(NI KOI HIPOLITO)

AABOT sa hindi bababa sa P34 milyon ng mga pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska sa tatlong suspek, kabilang ang isang Malaysian national, ng mga elemento ng mga pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office IX, PDEA-BARMM, MBLT-9, MID-2 MIU PMC, PSO-TT NICA9, BONGAO MPS, PDEU-TTPO at ng RIU9 PNP-IG, sa isinagawang buy bust operation, Martes ng umaga sa 2nd Flr., Barter Trade Center, Public Market, Barangay Poblacion, Bongao, Tawi-Tawi.

Ayon sa report ni PDEA 9 acting Regional Director Edgar T. Jubay kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang mga suspek ay sina Haberson Jaafar, 26, Elmer Jamadin, 31, at si Adzfar Asali, 44, residente ng Taman Miluk, Kota Kinabalu, Malaysia.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nakipagtransaksyon ang isang PDEA agent na nagpanggap na buyer sa tatlong suspek at nang magpositibo ang bentahan ng droga ay agad nang inaresto ang mga suspek.

Nasamsam sa mga suspek ang ginamit na isang bundle ng P1,000 marked money, cellular phones, paper bag, assorted cellophane plastic bags, kabilang ang limang piraso ng “Guanyinwang” plastics, at ang limang kilo ng mga pinaghihinalaang shabu.

Mahaharap ngayon ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa violation of Sec.26 in relation to Sec.5 and Sec.11 ng RA 9165 Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act.of 2002.

 

Related posts

Leave a Comment