P3.5-M SHABU KOMPISKADO SA NEGROS OCCIDENTAL

SHABU-ARRESTED

NEGROS Occidental – Aabot sa P3.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga pulis mula sa umano’y mga miyembro ng isang drug group sa joint buy-bust operation ng PNP sa Talisay City.

Ayon sa report, nakuha sa tinutuluyang apartment ng babaeng target sa joint buy-bust operation ng Silay City at Talisay city police, ang mahigit sa kalahating kilo ng hinihinalang shabu sa Barangay Zone 10 sa Talisay City.

Kwento ng imbestigador, nakatakdang ibenta sa taunang selebrasyon sa ilang lugar sa probinsya ang ilegal na droga.

Tatlo pang lalaki na itinuturong kasamahan ng mga suspek ang nahuli sa buy-bust operation.

Lumabas sa imbestigasyon, isang linggo pa lamang nanunuluyan sa nasabing apartment ang babaeng suspek.

Sinabi ni Negros Occidental Police Provincial Director Police Colonel Romeo Baleros, kasapi ng isang drug group ang mga suspek. (KIKO CUETO)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment