P3.2M SHABU NASAMSAM

meth

(NI BONG PAULO)

UMAABOT sa P3.2 milyon halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa ikinasang buy bust operation sa Bonifacio Street, Midsayap, North Cotabato, nitong Huwebes ng tanghali.

Nadakip ng pinagsanib na pwersa ng PNP Midsayap, Army’s 34th Infantry Battalion at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 ang target sa naturang operasyon na si Boy Mama Maguid, 40, ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.

Nabatid na matagal ng minamanmanan ng mga otoridad ang suspek bago pa ikasa ang buy bust operation.

Nabatid na mula sa Cotabato city ay sumakay ng pampasaherong van patungong Midsayap ang suspek para makipagkita sa PDEA agent na nagkunwaring buyer.

Naaresto si Maguid matapos na ma-corner ng mga pulis at sundalo sa Bonifacio Street, partikular sa tapat ng isang fast food restaurant sa bayan, alas-12:40 ng tanghali.

Nakuha mula kay Maguid ang kalahating kilo ng sinasabing shabu at mga drug paraphernalia.

Ang suspek ay nasa kustodiya na ngayon ng PDEA 12 sa General Santos City.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment