P220-K SHABU TIKLO SA BIGTIME TULAK

ARESTADO ang isang hinihinalang bigtime drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Pasay City Police kahapon ng madaling araw sa isang hotel sa nabanggit na lungsod.

Ang suspek na kinilalang si Jomark Andres alyas “Jopaks”, walang trabaho, nakalista sa drug watchlist ng pulisya, ay nadakip sa aktong nagbebenta ng ilegal na droga sa poseur buyer sa Room 130 ng Sogo Hotel sa Elwood St., Brgy. 144, Zone 15, Pasay City dakong alas-3:30 madaling araw nitong Huwebes.

Ikinasa ng mga operatiba ng SDEU Pasay, sa pangunguna ni P/Cpt. Deni Mari Pedrozo at sa superbisyon ni chief of police P/Col. Erickson Diaz Dilag, ang buy-bust operation makaraang makumpirmang nasa hotel ang suspek.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang P1,000 marked money at walong piraso ng sachet ng shabu na tinatayang P221,680 ang halaga. (ROSE PULGAR)

 

Related posts

Leave a Comment