P15-M KONTRABANDO NASAMSAM, 3 ARESTADO

AABOT sa halagang P15 milyong halaga ng kontrabandong karne at exotic species ang nasamsam ng magkasanib na puwersa ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team at ang mga tauhan ng Veterinary Inspection Board (VIB) nang salakayin ang isang bodega at inaresto ang isang Chinese at dalawa niyang tauhan, nitong Lunes ng gabi sa Binondo, Manila.

Kinilala ni  P/Major Rosalino Ibay Jr., ang arestadong mga suspek na sina Cai Changfen, 52, negosyante at residente ng 442 San Fernando St., Binondo, Maynila; Rogelio  Edeinal  y Tugunon, 50, ng 1911 Laguna Ext., Narra St., Tondo, at Joshua Almario y Camposano, 22, helper at residente ng  Blk. 5, RAW 5, Unit 717, Habitat-Baseco Compound, Port Area.

Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa RA 10536 o Meat Inspection Code of the Philippines at  RA 10611 o Food Safety Act.

Batay sa ulat ni Major Ibay, ikinasa nila ang operasyon dakong alas-8:00 ng gabi sa isang warehouse sa 442 San Fernando St. sa  Binondo.

Nabatid sa report ng pulisya, nakatanggap umano sila ng impormasyon na may nakaimbak na mga kontrabandong karne sa bodega.

Agad ikinasa ang pagsalakay at nakumpiska ng mga nawtoridad ang 6.1 tonelada ng kontrabandong karne, exotic species, aquatic products at isang puting Toyota Grandia Van na  may conduction sticker No. P5Y711 na ginagamit na pang-deliver sa mga karne.

Samantala, agad iniutos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ikulong ang arestadong mga suspek. (RENE CRISOSTOMO)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment