OPISYAL NG PNP ITINUMBA SA HARAP NG MISIS 

(NI ANNIE PINEDA)

DUGUANG bumulagta sa harap mismo ng kanyang misis ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek na naka-motorsiklo habang naglalakad kasama ang asawa, Huwebes ng gabi  sa Cebu City.

Kinilala ang biktimang si Police Lieutenant Colonel Joie Yape, dating Provincial Intelligence Branch ng Cebu Provincial Police Office.

Batay sa report ng Police Station 2 ng Cebu City,  bandang alas 6:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Sitio Molave sa Barangay Kamputhaw, Cebu City.

Lumabas sa imbestigasyon, magkasama ang biktima at asawa nitong naglalakad sa nasabing lugar nang biglang dumating ang suspek na nakamotorsiklo.

Dito, hinarang ang kanilang daanan at pinagbabaril ang biktima na agad nitong ikinamatay habang mabilis na tumakas ang suspek.

Nabatid, dumadalo ang biktima ng 3-araw na seminar sa lungsod at bandang alas 2:00 ng hapon ay umatend pa ito ng pagdinig sa CCPO na may kinalaman sa kasong iligal na drorga.

Si Yape ay spokesperson ng Bohol Provincial Police Office at nadestino sa Internal Affairs Services sa Camp Crame.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa insidente at inaalam na ang tunay na motibo sa krimen.

 

Related posts

Leave a Comment