OPISYAL NG PNP INARESTO SA NAKAW NA SASAKYAN

(NI NICK ECHEVARRIA)

ARESTADO ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nakatalaga sa Marawi City Police Station (CPS) makaraang mabawi sa kanyang pag-iingat ang isang nakaw na sasakyan.

Nabatid sa ipinadalang ulat ni Police Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM) Director P/BGen. Marni Marcos sa Camp Crame, nakilala ang naarestong suspek na si P/Cpt. Santos Libres Monares, ng Marawi CPS.

Isang Ford Everest na may conduction sticker # lK3400 ang nakumpiska kay Monares na nakarehistro sa isang Dolores Gutierez mula sa Sta. Cruz, Manila.

Si Monares ay inaresto ng mga tauhan ng Regional Intelligence at Anti-Carnapping Unit ng PNP-BARMM, makaraang  wala itong maipakitang lisensiya at rehistro ng minamanehong sasakyan.

Itinuro naman ni Monares ang isang P/Cpt. Ramces Cartejana ng Police Regional Office (PRO)10 mula sa Camp Alagar, Cagayan de Oro City, na siyang nagbenta sa kanya ng nasabing sasakyan.

Related posts

Leave a Comment