OPISYAL NG PHIL. NAVY PATAY SA AMBUSH

GUN FIRE-3

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang isang Navy Commander matapos tambangan ng riding in tandem sa Zamboanga City, Linggo ng gabi.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni P/BGen. Emmanuel Luis Licup, Director ng Zamboanga Peninsula Police Regional Office (PRO) 9, nakilala ang biktima na si Commander (Lt. Col.) Nestor Tenoro Yapit, 53,  ng Sangley Point, Cavite City at nakatalaga bilang Provost Marshal sa Western Mindanao Command.

Naganap ang isindente bandang 7:51  sa kahabaan ng Veterans Road, malapit sa Exit  Zamboanga City Medical Center kung saan pinagbabaril ng dalawang riding in tandem suspects ang biktima na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa kanyang ulo at dibdib. Idineklara ang biktima na dead on arrival sa nabanggit na hospital.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas- 7:30 ng gabi nang lumabas sa naturang kalye ang biktima kasama ang isang Roselyn Omar at habang papasakay ito sa kanyang Mazda service nang ratratin ng mga suspek.

Mabilis namang tumakas ang mga hindi pa nakikilalang salarin matapos ang krimen na kasalukuyan ngayong iniimbestigahan ng Zamboanga City Police Station 11.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment