OPERATOR PATAY SA PAYLOADER TRUCK

CAVITE – Labis ang pagsisisi ng isang 28-anyos na pahinante nang tanggapin niya ang alok ng operator ng payloader truck na siya muna ang magmaneho nang masagasaan niya ito nang paandarin niya ang nasabing sasakyan sa bayan ng Noveleta sa lalawigang ito.

Nakakulong na sa Noveleta Custodial Center ang suspek na si  Francisco Canete, binata, ng Sta. Rita, Sto. Domingo, Nueva Ecija dahil sa pagkamatay ni Joseph  Rogelio, 34,  may-asawa, payloader operator, ng Brgy. Sta. Rosa 2, Novelata, Cavite.

Sa ulat ni Pat. Monaem Cabugatan ng Noveleta Police Station, dakong alas-4:00 nitong Lunes ng hapon nang mangyari ang insidente sa isang construction site sa bakanteng lote sa Brgy. Sta. Rosa 2 sa nabanggit na bayan.

Minamaneho umano ni  ni Canete ang nabanggit na payloader truck na may body number na WHL 33-16, na dapat ang biktima ang may hawak ng manibela.

“Masakit daw kasi ang paa, kaya ipinagkatiwala kay Canete ang pagmamaneho,” ayon kay Pat. Cabugatan.

Habang minamaneho ni Canete ang payloader truck ay nakasabit na lamang umano ang biktima upang maalalayan ang una ngunit nalaglag at bumagsak sa gulong si Rogelio na hindi napansin ng suspek kaya ipinagpatuloy ang pagmamaneho.

Tumigil lamang sa pagmamaneho ang suspek nang magsigawan ang mga trabahador.

Isinugod ang biktima sa Divine Grace Medical Center ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas habang inaresto ng mga awtoridad ang suspek. (SIGFRED  ADSUARA)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment