OFW NA MISIS PINATAY NI MISTER SA INIWAN NA UTANG

crime34

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI inakala ng isang misis na ang kanyang pag-uwi mula sa ibang bansa, ay kanya na palang huling hininga, matapos itong pagsasaksakin ng kanyang asawa dahil umano sa mga pagkakautang, iniulat sa Zamboanga del Sur.

Kinilala ang biktimang si Emilyn Lariosa, overseas Filipino worker sa bansang Malaysia at residente ng Tabina, Zamboanga del Sur.

Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Erwin Lariosa, at residente ng nasabing lugar.

Batay sa report ng pulisya, Agosto 5, kauuwi lamang ng biktima galing sa bansang Malaysia nang salubungin ito ng away ng suspek sa halip na yakap ng pagkasabik at pangungulila habang nasa ibang bansa ang biktima.

Makalipas ang isang araw , muling inaway ni Erwin si Emilyn at kinompronta tungkol sa mga utang na kanyang iniwan na siya naman pinaggastos sa kanyang pag-alis para sa mga dokumento.

Nagdilim ang paningin ng suspek at kumuha ito ng kutsilyo saka pinagsasaksak ng maraming beses ang biktima sa harap mismo ng kanilang tatlong anak na agad nitong ikinasawi.

Sinampahan na ng kasong parricide ang suspek na ngayon at nakakulong sa piitan ng Zamboanga del Sur-PNP.

 

Related posts

Leave a Comment