‘NPA’ UP GRAD, HULI SA ENKUWENTRO

cppnpa12

(NI AMIHAN SABILLO)

NASUKOL ng mga tropa ng 84th Infantry (Victorious) Battalion ang isang UP graduate na naging New People’s Army leader, sa enkwentro sa Barangay Estrella, Rizal, Nueva Ecija.

Tinukoy ni 7ID spokesperson Maj. Amado Gutierrez, ang nasakoteng NPA leader na si Redsa Balatan, alyas Sining/Julia/Lea, ang political instructor at deputy secretary ng Komiteng Larangang guerrilla Sierra Madre, na nag-ooperate sa Nueva Ecija At Nueva Viscaya.

Si Balatan ang isa sa apat na sugatang terrorista at kabilang sa 5 nahuling NPA ng militar matapos ang 15 minutong bakbakan, kung saan dalawang NPA ang patay.

Narekober ng mga tropa sa encounter site ang 2 M16 rifles, 3 caliber .45 pistols, isang hand grenade,  15 M16 magazines, 2 .45 pistol magazines, 2 handheld Motorola radios, 14 cellphones, isang Samsung tablet, subversive documents at extortion letters.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Major General Lenard T. Agustin AFP, Commander ng 7th Infantry Division sa nagiging kahinatnan ng mga matatalinong estudyante ng mga unibersidad tulad ni Balatan na napasama sa NPA, na ang karamihan ay nakabaon na lang sa mga hindi markadong libingan sa mga kabundukan.

Nanawagan naman si Agustin sa mga miyemro ng ‘academe’ na suriing mabuti kung ano ang naituturo sa mga kabataan sa mga paaralan na makapanghihikayat sa kanila na sumama sa NPA.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment