NORWEGIAN INIMBITAHAN SA 2 PASLIT NA KASAMA SA HOTEL

NI DONDON DINOY

DAVAO CITY–Patuloy ang isinasawang imbestigasyon ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Davao City Police Office (DCPO) sa isang Norwegian national na pinagdududahang sangkot sa human trafficking.

Naaktuhan ng mga pulis ang suspek na si alyas Scherner, 54, Norwegian national, sa loob ng malaking hotel sa Sta. Ana Avenue, nitong lungsod, matapos makatanggap ng impormasyong pumasok ito kasama ang dalawang bata na may edad 8 at 10 taong gulang.

Daling nagsagawa ng operasyon ang pulisya kung saan nahuli ang suspek at nasagip ang mga bata.

Ayon kay Police Captain Nolan Tagsip, bagong tagapagsalita ng DCPO, na hindi entrapment operation ang kanilang ginawa dahil inimbitahan lamang nila ang banyaga upang alamin ang nangyari.

Napag-alaman na ang 8-anyos na bata ay anak ng kanyang asawang Pinay sa pagkadalaga habang ang 10-anyos ay pamangkin din ng Pinay.

Sinabi ni Scherner na wala sa Davao City ang Pinay ng mga sandaling yun dahil umuwi ito sa kanilang probinsya upang asikasuhin ang mga dokumento ng 8-anyos.

Nilinaw ng DCPO na tumugon lamang sila sa natanggap na impormasyon dahil nakaalerto umano ang pulisya sa human trafficking kung saan mga bata ang nagiging biktima.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment