NO.8 SA DRUG LIST PATAY SA PULIS

PULIS-11

BULACAN – Patay ang isang hinihinalang drug pusher na no.8 sa Lambat Sibat provincial level drug watchlist, makaraang manlaban sa mga pulis sa anti-drug operation sa bayan ng Plaridel, habang lima pang drug suspect ang nadakip sa buy-bust operation sa mga bayan ng Baliuag at Marilao sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi.

Kinilala ni P/Col. Emma Libunao, Acting Bulacan police director, ang suspek na si Rommel Garife y Dionisio, alyas  “Mome”, residente ng bayan ng Pulilan.

Napatay si Garife dahil sa mga tama ng bala sa katawan habang nakatakas ang kanyang kasama lulan ng hindi naplakahang motorsiklo.

Ayon sa ulat, dakong 1:05 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Plaridel police sa Barangay Agnaya, sa pangunguna ni P/Lt. Col. Victorino Valdez, hepe ng pulisya ng Plaridel.

Target sa nasabing operasyon ang umano’y tulak ng ilegal na droga na si Garife ngunit nakatunog ang suspek kaya’t bumunot ng baril at nanlaban na naging dahilan ng kanyang kamatayan habang nakatakas ang kanyang kasama patungo sa Barangay Lumang Bayan.

Nakuha ng Bulacan SOCO Team sa suspek ang isang .38 kalibreng baril, 14 pakete ng umano’y shabu at buy-bust money.

Samantala, limang iba pang mga drug suspect ang nakorner sa Barangay Poblacion 2, Marilao at Barangay Sta. Barbara sa bayan ng Baliuag.

Kinilala ni P/Lt. Col. Amado Mendoza Jr., Marilao police chief, ang arestadong mga suspek na sina Mark Anthony Villasenor, 25; Josua Galupong, 22; Kenneth de Leon; Miner Bautista, at Michael dela Cruz. (GINA BORLONGAN)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment