NIYAYA MAG-INUMAN, 15-ANYOS NI RAPE SA PARTY

(NI JG TUMBADO)

DINAKIP ang isang 30-anyos na fish vendor dahil umano sa panghahalay nito sa 15-taong gulang na babae na kanyang kapitbahay sa Iligan City.

Sa himpilan na ng pulisya nakilala ang suspek na si Joel Madrazo, residente ng Purok 4 sa Barangay Tambacan.

Batay sa report kay Police Major Abogado Mautin, station commander ng Police Station 4 ng Iligan City Police Office (ICPO), gabi ng Martes nang mangyari ang insidente sa bahay mismo ng suspek sa nabanggit na lugar.

Bago ang panghahalay ay niyaya umano ng suspek ang biktima na itinago sa pangalang “Noemi”, na makipag inuman sa kanya dahil birthday umano nito.

Pumayag naman umano sa alok ang biktima at nakipag-inuman ito sa suspek sa labas ng bahay nito.

Subalit nang makaranas na ng pagkahilo dahil sa ininom nilang alak ay agad dinala ng suspek ang biktima sa loob ng bahay at doon isinagawa ang panggagahasa.

Nagawang makatakas lamang ng biktima nang magpaalam na ito sa suspek na uuwi na subalit lingid sa kaalaman nito ay dumiretso sa pulisya ang una para isumbong ang pangyayari.

Naabutan pa ng mga awtoridad sa bahay ang suspek na agad dinakip.

Related posts

Leave a Comment