NEWLY GRAD, 2 PASLIT, NATUSTA SA SUNOG

sunog

(NI BONG PAULO)

KIDAPAWAN CITY – Patay ang isang dalaga na bagong graduate sa kolehiyo habang dalawang mga paslit naman ang nasawi makaraang malitson sa nasunog na boarding house sa Salem Street Barangay Kalawag II, Isulan, Sultan Kudarat, hapon nitong Miyerkoles.

Kinilala ang mga nasawi na sina Sweetzel Mae Natabio, 22, dalaga;  Prince Ryan Gillona, 5, at Julliane Heart Hitalia, 5, pawang mga residente sa lugar.

Tatlong bahay ang tinupok ng apoy sa isang compound na pag-aari ni Arlene Relator.

Ayon kay Marivic Natabio, ina ni Sweetzel Mae, nangyari ang sunog alas-3:30 ng hapon  kung saan bigla umanong nagliyab ang boarding house. Dahil sa laki ng apoy ay hindi na nakalabas ang mga biktima.

Naabo na ang bahay nang abutan ng mga bombero dahil gawa lang ito sa kahoy o light materials.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment