NENE NILURAY NI LOLO

RAPE-ALAK

QUEZON – Himas-rehas ngayon ang isang lolo makaraang arestuhin ng mga awtoridad matapos umanong gahasain ang isang 5-anyos na batang babae sa loob ng bahay nito sa lalawigang ito.

Nasa kustodiya na ng Polillo, Quezon, ang 70-anyos na suspek na mahaharap sa kasong rape at child abuse.

Batay sa report ng Quezon Police Provincial Office, dumulog sa himpilan ng pulisya ng ina ng biktima para sampahan ng reklamo ang suspek.

Lumabas sa imbestigasyon, naglalaro ang bata sa labas ng kanilang bahay nang lapitan ng suspek ay niyaya sa kanyang bahay.

Sa pag-aakala ng bata na bibigyan lamang siya ng suspek ng kendi at pagkain ay sumunod ito.

Ngunit pagpasok niya sa bahay ay pinagsamantalahan siya ng suspek.

Pag-uwi ng bata sa kanilang bahay, nagsumbong ito sa kanyang ina at ikinuwento ang ginawa sa kanya na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek. (ANNIE PINEDA)

Related posts

Leave a Comment