NEGOSYANTE TODAS SA SUNTOK NG BATA NI MAYOR

CAVITE – Todas ang isang 45-anyos na negosyante makaraang suntukin ng driver ng alkalde matapos silang magkagitgitan sa kalsada.

Namatay si Dennis Narra Saique dahil sa “subdural hematoma” bunga ng matinding pagdurugo ng ulo.

Isang Michael Rodil Canizares ang suspek, ayon sa pulisya.

Ayon sa pulisya, maghahatid si Sique ng kaibigan na nagbalik-bayan nang makagitgitan niya si Canizares habang palabas ng subdivision hanggang sa nauwi sila sa pagtatalo.

Ayon sa kaibigan ng biktima na si Henry Oringo, bahagya lang nilang nakagitgitan ang suspek na nakamotorsiklo.

Nang magkainitan, umalis raw si Canizares at bumalik kasama ang security guard ng subdivision.

Dito raw biglang sinuntok ni Canizares si Sique.

Kinumpirma ng City Legal Officer ng Imus City Hall na driver ni Mayor Emmanuel Maliksi si Canizares.

Tinanggal na umano ang suspek sa puwesto dahil sa pangyayari.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment