NARCO POLITICIAN LANDSLIDE WINNER

san rafael12

(NI ELOISA SILVERIO)

TINULDUKAN na ang kontrobersyal at pinakaaabangan resulta ng local election sa bayan ng Bocaue at San Rafael sa mayoralty race makaraang iproklama ang mga nanalong alkalde sa mga nasabing bayan sa kakatapos lamang na national at local midterm election.

Sa bayan ng Bocaue, ang tinaguriang “Toss Coin Mayor” na si Mayor Joni Villanueva ay pormal na ipinroklama bilang opisyal na waging kandidato sa pagka-alkalde makaraang ilampaso nito ang kanyang katunggali na si Jim Valerio via landslide win.

Si Villanueva ay umani ng kabuuang boto na 32,083 mula sa 19 na barangay sa Bocaue kontra sa 22,422 boto para kay Valerio.

Magugunita na noong nakaraang 2016 election ay kapwa nagharap sina Villanueva at Valerio kung saan nagtabla sa score na 16,694 votes ang dalawa ngunit idinaan ang resulta ng panalo sa pamamagitan ng “toss coin” kung saan wagi sa 3-0 standing “best of five” mechanics si Villanueva laban kay Valerio.

Samantala, wagi rin sa landslide win over si re-electionist Mayor Goto Violago na may kabuuang boto na 36,508 votes kontra naman sa 11,180 votes para kay retired police general Francisco Villaroman.

Si Violago ay kabilang sa narco politician ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi naging balakid sa kandidatura ni Violago na ayon sa kanya ay pagpapatunay lamang na hindi naniniwala ang taumbayan ng San Rafael sa isyu ng pagkakadawit ng kanyang pangalan sa droga.

Sa gubernatorial race naman as of 12:00 noon nitong Martes ay patuloy na lumolobo ang bilang ng kalamangan ng aktor na si Vice Governor Daniel Fernando para gobernador na mayroong 696,164 partial tally votes habang 400493 votes naman kay Malolos Mayor Christian Natividad.

Gayundin si Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado na malaki ang lamang at may 800,452 votes laban sa 420,650 votes ni Bokal Anjo Mendoza.

Wagi rin sina Congressman Jonathan Sy-Alvarado ng Unang Distrito; Cong. Apol Pancho ng 2nd District; Cong. Lorna Silverio ng 3rd District; Cong. Henry Villarica ng 4th District at Cong. Rida Robes ng Lone District ng City of San Jose Del Monte.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment