NARCO COP ITINUMBA SA PALENGKE

(NI NILOU DEL CARMEN)

DEAD on the spot ang isang dating  pulis  matapos tadtadrin ng bala sa harap ng kanyang tindahan ng karne sa Lumban, Laguna, Sabado ng umaga.

Mga tama ng bala sa katawan ang agarang ikinasawi ng biktimang si Sherwin Abadier, 40, ng Barangay Maytalang.

Base sa report ng Lumban police, dakong alas 6:00 ng umaga nang pagbabarilin ng suspek na nakasuot ng facemask ang biktima, habang ito ay nakaupo  sa harap ng kanyang meat stall sa Lumban Public Market sa Barangay Lewin.

Agad ding tumakas ang suspek matapos ang pamamaril bitbit ang ginamit na maiksing baril.

Ayon sa Lumban PNP, ang biktima ay natanggal noon sa pagkapulis matapos na ito ay makasuhan dahil sa pagtutulak ng iligal na droga.

May kinakaharap din itong kaso ng serious grave misconduct for admin case na nakasampa sa  Regional Trial Court   ng  Sta Cruz, Laguna.

Ayon pa sa PNP, iniuugnay din ang biktima sa Manambit drug group ng Laguna at kasama din ito sa PRRD drug list.

Patuloy namang iniimbestigahan ang pangyayari at inaalam kung ano ang motibo sa krimen.

 

Related posts

Leave a Comment