NAMBOSO KAY TITSER, HULI

(NI SIGFRED  ADSUARA)

SWAK sa kulungan ang isang 34-anyos na lalaki nang naaktuhan habang sinisilipan ang isang teacher na naliligo sa Rosario, Cavite.

Kasong Unjust vexation, Disobedience,  resisting arrest to agent of Person in Authority at paglabag sa Sec. 12 Article II of R.A 9165 ang isinampa laban sa suspek na si Rolando Aquino, ng DO Jimenez St., Brgy Wawa 1 Rosario, Cavite,  dahil sa reklamo ng 39-anyos na teacher, ng Brgy Wawa, Rosario, Cavite.

Sa ulat ni Corporal Joeyluz Pulasan ng Rosario Municipal Police Station, naligo ang biktima dakong alas-3:30 Biyernes ng hapon nang napansin na tila nabaklas ang bubong ng kanilang banyo hanggang sa nakita ang mga matang nakatitig sa kanya.

Nagsisigaw ito at tumawag ng saklolo sa kanilang kapitbahay na tiyempo namang napadaan ang ilang barangay Tanod.

Tinangka pa ng suspek na manlaban hanggang sa hindi rin nakapalag nang tuluyan siyang bitibitin.

Nang kapkapan ang suspek, narekober sa kanyang katawan ang 3 pirasong foil strip na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nakakulong ngayon sa Rosario Custodial Center ang naarestong suspek.

 

Related posts

Leave a Comment