NANAY TUMALON SA BARKO KARGA  ANG BABY

baby 100

DIPOLOG CITY – Nagulat ang mga nakasaksi nang biglang tumalon mula sa barko ang mag-ina matapos umanong magkaroon ng pagtatalo sa mister, Biyernes ng umaga.

Sa kabutihang palad, agad namang na-rescue ang mag-ina kasama ang pitong buwan na baby na karga ng nanay nang maganap ang insidente malapit sa pier.

Sinabi na tumalon ang 34-anyos na babae nang malapit nang dumaong ang barkong galing Cebu City sa pier ng Dipolog.

Ayon kay Petty Officer 3rd Class Errol Rayala, agad silang tinawagan ng chief steward ng barko at humingi ng tulong para magpatawag ng ambulansya na magdadala sa ospital sa mag-ina.

“Nasa 4 nautical miles na lang ang layo ng barko para makadaong pero itong pasahero agad nang tumalon sa barko,” sabi ni Rayala.

Kuwento ng nakakitang steward na si Junalyn Rejas, nakita niyang tila nag-aaway ang biktima at asawa nito bago tumalon ang babae.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad ang insidente.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment