NANAY SUGATAN SA SCREWDRIVER ATTACK NG MANUGANG 

(NI JG TUMBADO)

ISANG 52-anyos na ginang ang sugatan makaraang pagsasaksakin ng lasing na lalaking umanoy kinakasama ng kanyang anak sa bayan ng Odiongan, Romblon.

Patuloy na inoobserbahan sa Municipal District Hospital ang biktima na si Lucy Maga-ngo nang saksakin sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng suspek na si Carl Fabiculana, gamit ang screwdriver.

Nabatid sa imbestigasyon, madaling araw ng Lunes nang pasukin sa bahay sa Barangay Dapawan-Poblacion ng lasing na si Fabiculana ang biktima at maka ilang beses na inundayan ng saksak ng screwdriver.

Tumakas ang suspek subalit nadakip din kalaunan sa isinagawang follow up operation ng mga awtoridad sa kanyang bahay.

Hindi pa batid sa report ng pulisya kung ano ang motibo sa tangkang pagpatay sa biktima ng suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder.

Related posts

Leave a Comment