NANAY PATAY SA TAGA NG ANAK NA MAY ‘SAYAD’

(NI JG TUMBADO)

KARUMAL-DUMAL  ang sinapit na kamatayan ng isang 63-anyos na lola makaraan siyang pagtatagain hanggang sa mapatay mismo ng kanyang sariling anak na sinasabing may diperensya sa pag-iisip sa bayan ng Manabo sa lalawigan ng Abra.

Tig-isang malalalim na tama ng taga sa batok at balikat ang tinamo ng biktima na siyang dahilan ng pagkasawi nito.

Batay sa imbestigasyon ng Manabo Municipal Police, pasado alas 11 ng tanghali ng Martes nang mangyari ang brutal na krimen sa bakuran ng mag-ina sa Barangay Poblacion.

Nagsasampay umano ang lola matapos ang paglalaba nito ng kanilang mga damit nang biglang pagtatagain ng kanyang anak.

Sinubukan pang dalhin sa ospital ng mga kapitbahay ang biktima subalit idineklara na itong dead on arrival.

Sa presinto,  sinabi ng suspek sa pulisya na nagawa niyang patayin ang ina dahil may bumubulong umano sa kanya na tagain ito.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment