NAKAIMBAK NA BOMBA SUMABOG SA POLICE HQ

hqbomb12

(NI JG TUMBADO)

NIYANIG ng malakas na pagsabog ang mismong police headquarters ng Davao City Police Office (DCPO) bago mananghali nitong Sabado.

Nagmula ang pagsabog alas 11:30 ng umaga sa loob ng stockroom ng Explosive Ordnance Division (EOD) kung saan isang bomba na una nang narekober at nakaimbak dito ang sinasabing sumambulat.

Ayon kay Davao City police Chief Col. Alexander Tagum, ang bomba na sumabog sa stockpile ng EOD ay kumpiskado na at ginagamit bilang mga ebidensya sa korte.

“As of now EOD personnel of this office and from PRO 11 are presently investigating the cause of the said explosion,” pahayag ni Tagum.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa pagsabog kung saan sinasabi ng mga imbestigador ay isang aksidente lamang.

Hindi pa matukoy sa imbestigasyon kung ano ang naging dahilan ng pagsabog at kung ito ba ay basta na lamang na isinalpak sa stockpile na hindi sumunod sa procedures.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment