NAGSAWA SA HIRAP

(NI ANNIE PINEDA)

TINAPOS  ng isang magsasaka ang paghihirap umano nito sa buhay sa pamamagitan ng pagbigti, iniulat kaninang umaga sa lalawigan ng Cagayan.

Kinilala ang biktimang si Santiago Capili, 34, ng Cabatakan West Lasam, Cagayan.

Batay sa report ng PNP Lasam, natagpuan ang bangkay ng biktima na nakabigti sa kanilang terrace at wala nang buhay.

Kuwento ng misis ng biktima, bago ang insidente Set. 19, ng gabi, habang sila ay natutulog , nagsabi pa sa kanya ang mister tungkol sa problema nito sa hirap ng pamumuhay.

Kinabukasan paggising ng asawa ng biktima, nakita niya ang mister na nakabigti.

Kaagad naman siyang humingi ng tulong sa mga awtoridad at kinalas ang katawang ng biktima mula sa pagkakabitin.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment