NAGHATID NG RELIEF GOODS SA BATANGAS, TODAS SA TRUCK

TODAS SA TRUCK

INABOT ng malas ang dalawang binata matapos maghatid ng relief goods sa mga biktima ng Taal explosion nang bumangga ang kanilang sinasakyang kotse sa trailer truck na kanilang ikinasawi sa San Jose, Batangas, Martes ng madaling araw.

Ayon sa San Jose police, dead on the spot sina Rio John Abel at ang nagmamanehong si Maximino Alcantara III

na nagtamo ng mga grabeng pinsala sa ulo at katawan matapos maipit sa nagkayupi-yuping kotse.

Malubha namang nasugatan ang isa pang pasahero na si Darwin Lajara.

Pauwi na umano ang mga ito galing sa paghahatid ng relief goods sa isa sa mga evacuation center nang mangyari ang aksidente sa national highway sa Barangay Banay-Banay 1st, ala-1:30 ng madaling araw.

Sumalpok  ang sinasakyang Mitsubishi Lancer ng mga ito sa hulihan ng trailer truck na noon ay nakahinto at papasok sa gate ng isang feedmills.

Kinustodiya ng mga pulis ang driver ng trailer truck na si Chris Charlie Peralta habang isinugod naman at ginagamot pa sa ospital ang sugatang si Lajara. (Nilou Del Carmen)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment