NAG-AMOK BAGO NAG-SUICIDE 1 PATAY, 5 SUGATAN SA EX-ARMY

CAVITE – Nagpakamatay ang isang dating miyembro ng Philippine Army makaraang mag-amok na ikinamatay ng isang biktima at malubhang ikinasugat ng limang iba pa sa Gen. Trias City sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat, noong Linggo, bigla na lamang nagwala at namaril si Junny Palacio gamit ang .38 kalibreng baril .

Namatay sa nasabing pamamaril ang isa sa mga biktima na kinilalang si Murharma Bautista.

Habang sugatan ang isang retiradong sundalo na si Albert Sorio at apat na iba pa na kinabibilangan ng dalawang pulis.

Napag-alaman, nasukol nang nagrespondeng mga pulis ang suspek ngunit imbes na sumuko ay nagbaril sa kanyang sarili na agad niyang ikinamatay.

Sa paunang imbestigasyon ng General Trias Municipal Police Station, pinagbaril ni Palacio ang anim na mga  biktima dahil sinisiraan umano siya ng mga  ito. (JESSE KABEL)

 

Related posts

Leave a Comment