MOTORSIKLO VS KOTSE: MAG-AMA PATAY, BUNSONG ANAK SUGATAN

motoraccident12

(NI NICK ECHEVARRIA)

HINDI na umabot nang buhay ang isang mag-ama  habang sugatan naman ang isa pang  anak nito nang sumalpok sa kotse ang sinasakyan nilang motorsiklo sa  Candelaria, Quezon, Linggo ng gabi

Dead on arrival ang mag-amang sina Ramilo Dequito, 45, at anak na si Ryan James, 13, samantalang patuloy na ginagamot ang bunsong anak na si Ramsey, 5, sa Peter and Paul Medical Center sa nasabing lugar.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang drayber ng  Toyota Vios na nakabanggaan ng mag-aama matapos ang insidente.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 4-A sa Camp Crame, nangyari ang insidente bandang alas-9:10 ng gabi sa kahabaan ng Candelaria- San Juan, Batangas Road kung saan lulan ang mga biktima ng motrsiklo na minamaneho ng kanilang ama na si Ramilo.

Naganap ang salpukan ng dalawang sasakyan pagsapit sa Barangay Sta. Catalina kung saan tumilapon ang mga biktima ng ilang metro mula sa sinasakyan nilang motorsiklo.

Nabatid na walang suot na helmet kaya grabeng naapektuhan sa insidente sina Ramilo at Ryan James na kaagad isinugod sa nasabing na ospital kasama ang bunsong si Ramsey subalit hindi na umabot pa ng buhay ang dalawa sa pagamutan.

Patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang tumakas na drayber ng Toyota Vios habang iniimbestigahan ang insidente.

 

Related posts

Leave a Comment