MOTOR, BIKE BAWAL NA SA HIGHWAY

MAHIGPIT nang ipatutupad ng pulisya ang pagbabawal sa mga motorsiklo at biseklita sa highway sa Zambales dahila ang lalawigang ito ang nangunguna sa Region 3 bilang may pinakamaraming naitalang vehicular accidents nitong taong 2019.

Ayon kay Police Lt. Col. Oriano Mina, Deputy Director for Operation ng Zambales Police Provincial Office (ZPPO), halos kalahati ng bilang ay sangkot ang mga motorsiklo.

Sa datos mula Hulyo hanggang Disyembre noong nakaraang taon, pumalo sa 965 ang bilang ng naitalang mga disgrasya.

Dahil dito, nais ng mga awtoridad na paigtingin ang pagpapatupad ng Republic Act 4136 na ipinagbabawal sa gitna ng national highway ang mga motorsiklo, tricycle at biseklita.

Nitong Linggo ay mahigpit nang ipatutupad ng pulisya ang nasabing batas sa mga bayan at syudad.

Paalala ni Mina sa mga motorista, sumunod sa kanilang ipinatutupad na batas para  sa kanilang kaligtasan. (JG TUMBADO)

Related posts

Leave a Comment