MOTEL SA BAGUIO NASUNOG 

SUNOG-7

BAGUIO City – Nasunog ang isang motel sa bahagi ng Katipunan Street sa lungsod na ito.

Sa report ng Baguio City Fire Department (BCFD), nagsimula ang apoy dakong alas-dos ng hapon nitong Sabado.

Agad nagresponde ang mga bombero mula sa BCFD at iba pang fire volunteers.

Agad lumabas ang mga tao maging ang mga mula sa karatig na gusali para sa kanilang kaligtasan sa pangambang gumapang ang apoy patungo sa kanilang kinaroroonan.

Tumagal ng halos isang oras ang sunog at idineklarang fire under control dakong 3:30 ng hapon.

Wala namang napaulat na nasaktan o namatay sa sunog.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente upang matukoy ang posibleng sanhi nito. (KIKO CUETO)

Related posts

Leave a Comment