MOSQUE GRINANADA: 2 PATAY, 4 SUGATAN

MOSQUE GRINANADA

ILANG araw matapos ang twin bombing sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral noong Linggo sa Jolo, Sulu, isa na namang pagsabog ang naganap sa isang mosque sa Barangay Talon-talon, Zamboanga City, Miyerkules ng madaling araw.

Patay sa insidente ang dalawang katao na naitakbo pa sa ospital ngunit binawian din ng buhay dahil sa tindi ng pinsalang natamo habang apat naman ang naitalang sugatan.

Pawang mga Muslim religious leaders ang mga biktima na pawang natutulog lamang nang maganap ang pagsabog.

Sa inisyal na imbestigasyon, granada ang sumabog na iniwan ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki sa loob ng mosque alas-12:00 ng hatinggabi.

Ang mga biktima ay isinugod sa Zamboanga City Medical Center.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment