MISTER PINATAY SA SAKAL ANG MISIS BAGO LUMAKLAK NG LASON

(NI ANNIE PINEDA)

MINSAN pang napatunayan na walang mabuting dulot ang matinding selos, matapos mapatay ng isang mister ang kanyang misis sa sakal matapos umanong magtalo dahil sa selos, saka naman napagkamatay ang suspek sa pamamagitan ng pag-inom ng lason, sa Tacloban City.

Kinilala ang mga namatay na sina Rhea Mae Azucena, 28, at Jeffrey Azucena, 30, kapwa residente ng Barangay 109-A V&G Subdivision, Tacloban City.

Batay sa report ng San Jose Police Station 1 ng Tacloban City, madaling araw ay narinig ng mga kapitbahay ng mag-asawa na nagtatalo sa loob ng kanilang bahay.

Kinaumagahan, nakita na lamang ang bangkay ng babae na may sugat sa leeg sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, habang ang lalaki ay nakita sa kanilang kusina. Kapwa wala nang buhay ang mga ito.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, posible umano na dahil sa galit ng mister sa kanyang misis ay sinakal niya ito hanggang sa bawian ng buhay at pagkatapos ay nagpakamatay naman sa pamamagitan ng pag-inom ng nakakalasong bagay.

Nabatid na madalas umanong mag-away ang mag-asawa dahil sa selos.

 

Related posts

Leave a Comment