MISTER PINASABOG ANG BUNGO SA HARAP NG MISIS

(NI ANNIE PINEDA)

SABOG ang bungo ng isang mister matapos barilin sa harap mismo ng kanyang misis ng kanyang kalugar, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Roxas City.

Kinilala ang biktimang si Jun-Jun Barredo, 31, traffic auxiliary at residente ng Barangay Dinginan, Roxas City.

Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na kinilalang si Juvy Pulao, nasa hustong gulang nakatira sa nasabing lugar.

Batay sa report ng pulisya, alas 12:00 ng hatinggabi nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, narinig ng misis ng biktima ang pagdating nito kaya agad siyang lumabas sa bahay para salubungin ang asawa, pero nakita na lamang niyang binaril sa ulo ng suspek saka tumakas.

Kuwento pa ng ina ng biktima na si Cynthia, pinagsabihan pa umano ng suspek ang asawa ni Junjun na huwag ipagsabing sila ang pumatay .

Giit ng ina ng biktima, posibleng dating alitan ang motibo sa pagpatay sa kanyang anak at nakikiusap ito na sumuko na sa pulisya at harapin ang ginawang krimen.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment