MISTER PATAY, TRADER KRITIKAL SA AMBUSH

ambush

BULACAN – Patay ang isang 49-anyos na driver habang kritikal ang dyowa nitong negosyante makaraang pagbabarilin ng  hindi  kilalang armadong riding in tandem ang sinasakyan nilang Sports Utility Vehicle (SUV) habang binabagtas ang kahabaan ng Provincial Road, Barangay Sto. Niño sa bayan ng Paombong sa lalawigang ito, nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang napatay na biktimang si Bernardo Umali, 49, habang agaw-buhay naman ang kinakasama nitong si Ma. Corazon Endo, 58, negosyante, ng Wawa 2nd, Barangay San Sebastian, Hagonoy, Bulacan.

Ligtas naman ang 3-anyos na paslit na kinilalang si Chales Airomar Austria, pamangkin ng babaeng biktima.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ang mga biktima ay lulan ng itim na Toyota Fortuner na may plakang NBN 3341, nang tambangan sila dakong alas-10:00 ng umaga sa nasabing lugar.

Habang binabagtas ng mga biktima ang nasabing lugar ay biglang sumulpot ang mga suspek na sakay ng motorsiklo at pinaulanan ng bala ang kanilang sasakyan.

Napag-alaman, una nang nakatanggap ng pagbabanta sa buhay si Bernardo na umano’y dating nasangkot sa ilegal na droga.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente. (ELOISA SILVERIO)

Related posts

Leave a Comment