MISTER NALIPASAN NG GUTOM; BAHAY SINUNOG, MISIS BINUGBOG 

arested12

(NI ANNIE PINEDA)

NANDILIM ang paningin ng isang pedicab driver matapos malipasan ng gutom dahilan para sunugin nito ang sariling bahay at pedicab saka binugbog ang asawa nang walang pagkain nadatnan sa kanilang bahay, iniulat kaninang umaga sa Davao City.

Kinilala ang suspek na si Rofel Baguioro, 29 anyos at residente ng Los Amigos, Tugbok District , Davao City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang insidente, umaga pa lamang ay namasada ang suspek ng kanyang pedicab at kinahapunan ay umuwi ito sa kanilang bahay para kumain.

Subalit, wala siyang nakitang kahit anong pagkain na makakain nito habang ang kanyang misis at abala sa panonood sa telebisyon sa sinusubaybayan nitong teleserye.

Sa inis ng suspek sinaktan ang kanyan asawa na hindi pinangalanan saka inunang sinunog ang pedicab nito at sinunod ang kanilang bahay.

Mabilis naman rumesponde ang mga awtoridad sa lugar at naabutan na nilang abo ang bahay nina Baguioro at tuluyan na itong inaapula para hindi na madamay pa ang ibang kabahayan.

Nasa P100,000.00 ng ari-arian ang tinupok ng apoy at wala naman naiulat na nasaktan at nasawi sa nasabing sunog.

Dinakip naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong Violence Against Women and Children (VAWC) at kasong arson .

Inamin naman ng suspek ang ginawa nitong pagsunog at sinabing nandilim ang kanyang paningin sa galit sa kanyang asawa at dahil na rin sa sobrang gutom.

Related posts

Leave a Comment