MISTER NAG-SUICIDE HABANG KA-VIDEO CHAT ANG MISIS

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI nakayanan ng isang janitor ang labis na pangungulila sa kanyang asawa dahilan para tapusin ang sariling buhay nito sa pamamagitan ng pagbigti, sa Iligan.

Kinilala ang biktimang si Lindif Lungtad Ligutom, 26, janitor sa paaralan ng MSU IIT at residente ng Purok 7 Tambo, Hinaplanon, Iligan City.

Batay sa report ng pulisya, dakong alas 9:30 ng umaga nang matagpuan ang biktima na nakabitin sa pintuan ng kanilang bahay.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, Agosto 14, nang umalis papuntang ibang bansa ang misis ng biktima para doon magtrabaho.

Ipinakita pa ng biktima sa kanyang asawa sa pamamagitan ng video chat ang kanyang pagpapakamatay.

Kuwento ng kapitbahay ng biktima na si Rogel Bacus, nagulat ng lamang siya nang makita si Ligutom na nakabigti sa pintuan ng bahay nito gamit ag nylon cord at wala nang buhay.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment