MISSING NA DALAGITA, SINAKO, PINAANOD SA ILOG

(NI BONG PAULO)

ISINILID sa sako bago pinaanod sa ilog ang bangkay ng isang 16-anyos na dalagita na una nang inireport na nawawala noong Disyembre 2 at pinaanod umano sa ilog ang bangkay nang biktima at sumabit sa footbridge sa Purok Bagong Silang, Barangay Punong Grande, Banga sa lalawigan ng South Cotabato kung saan ito natuklasan nitong Martes.

Kinilala ang biktima na si Barbie Bernardido Inocencio, 16, estudyante ng Notre Dame of Banga.

Ayon sa sa isang residente sa lugar, nakita ang bangkay ng estudyante na nakasilid sa sako, nakagapos ang mga kamay at duguan habang suot-suot pa ang uniporme nito.

Umaga pa umano nakita ang sako subalit hapon na nang malaman na tao ang laman nito nang makitang may nakalabas na paa.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga kapulisan sa nasabing krimen.

Samantala, isang negosyante sa lungsod ng Koronadal ang agad na nag-alok ng P200,000 na reward sa sinumang makapag-turo sa suspek o mga suspek sa nasabing krimen.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment