MISIS SINAKSAK SA BINURANG TEXT

SAKSAK-4

LAGUNA – Sugatan ang isang ginang makaraang saksakin ng kanyang live-in partner nang burahin umano ng biktima ang text message sa kanyang cellphone habang sila ay nasa kanilang trabaho sa isang mall sa Calamba City, nitong Lunes ng hapon.

Ang biktimang si Bendal Nazarrea, 35-anyos, empleyado ng IMall sa Brgy. Canlubang, Calamba City, ay tinamaan ng mga saksak sa kamay at dibdib.

Nasakote naman ng mga security guard ng mall ang suspek at live-in partner ng biktima na si Franklin Clapis Calañada, 51, utility worker,  at itinurn-over sa mga pulis.

Batay sa imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa habang nasa employees entrance ng mall, matapos burahin ng babae ang isang text message sa kanyang cellphone.

Nagalit at nagselos umano ang suspek dahil hindi ipinabasa sa kanya ng biktima ang text message.

Nagdilim ang paningin ng suspek at nang makakuha ng kutsilyo at inundayan ng saksak ang biktima.

Nakakulong na sa Calamba City police station locked-up facility ang suspek at inihahanda ang kaso laban dito habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang ginang. (NILOU DEL CARMEN)

 

Related posts

Leave a Comment