MISIS PINATAY SA TAGA NG SELOSONG MISTER

(NI NILOU DEL CARMEN)

LAKING pagsisisi ng  isang lalaki makaraang nang dahil sa selos ay mapatay nito sa saksak at taga ang kanyang misis sa Burdeos, Quezon nitong Bagong Taon.

Kusang loob na sumuko sa mga pulis ang suspek na si Rodsel Avenilla Revillame, 48, matapos ang pangyayari.

Batay sa report ng Burdeos police, nakainom  ang suspek at gamit ang itak ay pinagtataga nito sa likod ang kanyang misis na si Rosalie Avenilla, 46, sa loob mismo ng kanilang bahay  sa Barangay  Poblacion, alas 9:30 ng gabi.

Lasing umanong dumating sa kanilang bahay ang suspek   nang bigla na lamang nitong komprontahin  ang misis dahil sa pagseselos.

Humantong ang mainit na sagutan ng mag-asawa sa pananaksak ng lalaki na agad ikinasawi ng ginang dahil sa  tama sa likod.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Burdeos police station at sasampahan ng kaukulang kaso.

 

Related posts

Leave a Comment