MISIS PATAY SA TAGA NG MISTER

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang isang ginang matapos pagtatagain ng kanyang sariling mister sa loob ng kanilang bahay sa Poblacion District 2, Mobo, Masbate.

Sa report na ipinarating ni P/ Major Alwin L. Magayanes, acting chief ng Mobo Municipal Police Station (MPS), sa Police Regional Office (PRO) 5, nakilala ang biktima na si Venus Cardino, 47.

Nabatid sa naantalang ulat na pinagtataga ang biktima ng kanyang mister na si Fernando Cardino, 58, barangay tanod, makaraang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay na nauwi sa pananaga ng suspek sa ginang na ikinamatay nito matapos magtamo ng mga malalalim na sugat.

Nadakip naman ng mga tauhan ng Mobo MPS sa follow-up investigation ang suspek na nakakulong na ngayon sa Mobo detention cell, matapos sampahan ng reklamo kaugnay sa kasong parricide sa Provincial Prosecution Office sa Masbate City sa nasabing lalawigan.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment