MISIS PATAY, MISTER KRITIKAL SA CAVITE MISHAP

motor12

(NI SIGFRED ADSUARA)

PATAY ang isang 40-anyos na ginang habang kritikal ang mister nito nang araruhin ng isang kotse ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Silang, Cavite.

Kinilala ni SPO1 Henry Abarca ng Silang Municpal Police Station ang namatay na si  Evelyn Velarde, siomai vendor, dahil sa pagkabagok ng kanyang ulo   habang inoobserbahan pa ang asawa nito sa nasabi ring ospital si Jerson Velarde, 45, tubong South Cotabato, vendor,   kapwa residente  ng  Brgy Anahaw, Silang Cavite.

Kinilala naman ang driver ng isang Honda City Sedan (WTB450) na si Rondel Manipis, 25, binata, seaman,  ng Brgy Litlit, Silang, Cavite

Nabatid na  kapwa binabagtas ng biktima at  suspek ang  direksiyon ng bahaging Timog ng Kalubkob,  Road sa Silang, Cavite dakong 11:20 Lunes ng gabi , sakay ng motorsiko ang mag-asawa nang bigla umanong banggain ng suspect ang mga biktima.

Dahil  sa lakas ng pagkakabangga ay  tumilapon ang dalawa sa semento kaya isinugod sa Silang Specialist Medical Center  subalit dakong ala – 1:20 ng madaling araw nang ideklarang patay ng mga doctor si Evelyn. Kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries at damaged to property ang isasampang kaso laban kay Manipis.

Related posts

Leave a Comment