MISIS PATAY, 1 KRITIKAL SA VAN

accident12

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI inakala ng isang misis ang ginawa nitong pagbabantay sa inuman sa kanyang mister ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan makaraan mahagip ito ng humaharurot na van habang nakaupo sa nakaparadang motorsiklo, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Negros Oriental.

Kinilala ang biktimang si Connie Gulay, 35, ng Purok 4, Barangay Cangmating, Sibulan, Negros Oriental.

Sugatan naman ang isang Reggie Eullaran, 31, kapitbahay ng biktima sa nasabing lugar.

Kusa naman sumuko sa pulisya ang suspek at driver ng van na kinilalang si Ronelo Sayson.

Batay sa report ng pulisya, Sabado ng gabi nang maganap ang insidente sa tabing kalsada sa Sibulan Negros Oriental.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, nakaupo lamang ang biktima sa nakaparadang motorsiklo habang hinihintay ang asawa nitong nakikipag-inuman nang bigla na lamang siyang mahagip ni Sayson at Eullaran.

Sa lakas ng pagkakasalpok, bumagsak si Gulay sa sementadong kalsada at tumama ang ulo habang sugatan si Eullaran.

Kaagad naman dinala sa Negros Oriental Provincial Hospital ang mga biktima pero nalagutan ng hininga si Gulay, Linggo, alas 2:00 ng madaling araw habang patuloy na ginagamot sa ospital si Eullaran.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and physical injuries si Sayson.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment