MISIS NAPUNDI; BABAERONG MISTER PINATAY

crime

(NI ANNIE PINEDA)

PINUTOL na ng isang misis ang umano’y pagiging babaero ng kanyang mister dahilan para ataduhin niya ito ng saksak matapos ang pagtatalo, Linggo ng gabi sa Cauayan City.

Kinilala ang biktimang si Rolly Bautista, 42, habang kusa naman sumuko sa pulisya ang suspek at misis nitong si Lea Bautista, 42, at kapwa residente ng Brgy. Bagong Sikat, San Mateo, Isabela.

Batay sa report ng Isabela-PNP, dakong alas 6:00 ng gabi ng Linggo nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa matapos ang pagtatalo.

Dito, kumuha ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na agad naman dinala sa ospital pero hindi na rin umabot pang buhay dahil sa dami ng saksak sa katawan.

Kusa naman sumuko sa pulisya ang suspek na ahaharap sa kasong parricide.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.

 

Related posts

Leave a Comment