MISIS, KUMPARENG KALAGUYO, TINAGPAS NI MISTER

(NINA DONDON DINOY, ANNIE PINEDA)

SA rurok ng kaligayahan, hindi na namalayan pa ng misis at kanyang kumpare ang pagdating mister ng una habang nakakubabaw pa at nagtatalik ang dalawa nang tapyasin at pagtatagain ang mga ito ng huli, iniulat, sa Davao del Norte.

Agad namatay ang misis at kumpare nito na hindi pinangalanan habang nadakip naman ang suspek, pawang 25-anyos at residente ng Barangay Gupitan, Kapalong, Davao del Norte.

Batay sa report ng Kapalong Police Station, bago ang insidente, nag-usap ang magkumpare na manguha ng kamote sa bukid.

Pagdating ng suspek sa bukid ay wala pa ang kanyang kumpare at naalala nito ang basket na paglalagyan ng kamote ay naiwan sa kanilang bahay , kaya nagpasya siyang balikan ang basket.

Naabutan nito ang anak na naglalaro sa ilalim ng silong ng bahay at wala ang kanyang kumpare at misis hanggang sa tinungo niya ang kubo at doon nasaksihan ang pagtatalik ng dalawa.

Nagdilim ang paningin ng suspek kaya kinuha nito ang itak at pinagtataga ang kumpare na nakakubabaw pa sa kanyang misis na agad nitong ikinamatay.

Saka sunod na pinagtataga ang kanyang asawa pero nagawa pa nitong nakatakbo sa ilalim ng bahay, subalit hindi pa man nakalalayo ay nalagutan na rin ng hininga.

Tinangka naman tumakas ng suspek pero kalaunan ay nadakip rin ng mga rumespondeng pulis at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

 

Related posts

Leave a Comment