MISIS, KUMPARE HULING NAGSE-SEX NI MISTER

(NI ANNIE PINEDA)

HIMAS rehas ngayon ang misis at kumpare nito matapos mahuli sa aktong nagtatalik ng kanyang mister sa loob mismo ng kanilang silid, iniulat kaninang umaga sa lalawigan ng Isabela.

Binitbit ng mga awtoridad at dinala sa himpilan ng Echague-PNP ang magkalaguyo matapos silang isuplong ng mister ng ginang na pawang mga hindi pinangalanan at parehong mga residente ng ng nasabing bayan.

Sa reklamo ng mister, umalis siya ng kanilang bahay at iniwan nito ang misis, subalit may nakalimutan siyang dalhin kaya bumalik siya ng bahay ay hindi man lamang napansin ng dalawang kanyang pagpasok.

Dito, bumulaga sa kanyang harapan ang hubo’t hubad niyang misis at kumpare na nakapikit habang nagse-sex.

Sinabi pa nito, agad siyang naghanap ng kutsilyo, pero una niyang nakita ang mga kaserola at kaldero at ito ang pinaghahampas sa dalawa habang magkapatong.

Agad na lumabas ang mister at nagsisigaw hanggang nabulahaw ang mga kapitbahay at naglabasan. Dumiretso naman sa barangay ang mister para humingi ng tulong sa mga pulis at ipinadakip ang misis at kumpare.

Halos hindi naman makatingin ang magkalaguyo sa labis na kahihiyan.

Buo naman ang pasya ng mister na magsampa ng kaso laban sa dalawa.

Dagdag pa niya, una niyang naririnig ang tsismis pero hindi siya naniniwala hanggang sa nakita ng kanyang dalawang mata.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa magkaguyo.

Related posts

Leave a Comment