MISIS KRITIKAL SA SAKSAK NI MISTER

(NI ANNIE PINEDA)

KRITIKAL sa ospital ang isang misis makaraan pagsasaksakin ito ng kanyang mister nang mahuling may naghahatid sa kanya ng naka-motorsiklo pag-uwi galing sa trabaho, iniulat kaninang umaga sa Roxas City.

Kinilala ang bikima sa pangalan Jenny, service crew, habang nadakip naman ang suspek na 43-anyos, electrician, at kapwa residente ng Barangay Bago, Roxas City.

Batay sa report ng pulisya, dakong ala 1:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, nakita ng suspek ang biktima pag-uwi ng kanilang bahay na may naghatid na isang lalaking nakamotorsiklo.

Pagpasok ng biktima sa bahay, kinompronta ito ng kanyang mister na nauwi sa mainitang pagtatalo dahilan para kumuha ng kutsilyo si John at pinagsasaksak ang biktima na tinamaan sa leeg at braso.

Kaagad naman dinala sa ospital ang biktima para lapatan ng lunas habang nadakip ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Depensa ng suspek matagal na siyang nagdududa na may ibang lalaking kinalolokohan ang misis dahilan makailang beses na nitong nahuling may naghahatid sa kanya galing sa trabaho na nakamotorsiklo.

 

Related posts

Leave a Comment