MISIS KINATAY NI MISTER SA SELOS

(NI ANNIE PINEDA)

MINSAN pang napatunayam na walang mabuting dulot ang matinding selos makaraan pagsasaksakin hanggang sa mamatay ang isang misis ng kanyang mister, sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ang biktimang si Jen Banaag Palin, 29, habang ang nadakip na suspek ay kinilalang si Ryan Palin, 30, kapwa residente ng Sitio Kilaa, Barangay Alga, Catarman, Camiguin.

Batay sa report ng pulisya, Linggo ng umaga nang madiskubre ng mga kaanak ang biktima sa bahay nito sa naliligo sariling dugo at tadtad ng saksak sa katawan habang tumakas ang mister.

Dinala pa sa ospital ang biktima pero dineklara na rin itong patay ng umatending doktor.

Bandang alas 6:30 ng gabi nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya sa Cagayan de Oro City at nadakip ang suspek.

Nabatid, Sabado ng gabi narinig pang nagtatalo ang mag-asawa dahil nagseselos ang suspek sa hinalang may ibang lalaking kinalolokohan ang kanyang misis na nauwi sa pananaksak.

Sinampahan na ng kasong parricide ang suspek.

 

Related posts

Leave a Comment