MISIS ITINUMBA PAGBABA NG PAMPASAHERONG VAN 

crime43

(NI ANNIE PINEDA)

DUGUAN na bumulagta ang isang misis nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek pagkababa mismo sa sinakyan nitong pampasaherong van, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Surigao del Sur.

Kinilala ang biktimang si Analyn Surita Dahunog, 36, ng P-7, Brgy. Quirino, Madrid, Surigao del Sur.

Batay sa report ng Madrid Municipal Police Station, naganap ang insidente malapit lamang sa bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon, galing Tandag City ang biktima at sumakay ito ng pampasaherong van pauwi at pagkababa nito agad siyang nilapitan ng suspek at binaril ng dalawang beses na agad nitong ikinamatay.

Mabilis naman tumakas ang suspek at kasama nito na nagsilbing look-out ilang metro lamang ang layo sa pinangyarihan.

Paniwala ng mga awtoridad, matagal nang sinusubaybayan ng mga mag suspek ang biktima hanggang magkaroon ang mga ito ng pagkakataon at naisagawa ang pagpatay.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment