MISIS, ‘BOY TOY’, IPINAKULONG NI MISTER

arrested12

(NIDONDON DINOY)

DAVAO CITY—Ipinakulong ng isang mister ang kanyang misis at batang nobyo na umano’y ipinalit nito sa mister matapos maaktuhang nagse-sex sa boarding house sa Compotela Valley, Sabado ng gabi.

Sinabi ng mister, 37, laborer, na matagal na siyang nagdududa sa kakaibang ikinikilos ng kanyang misis, 33, isang estudyante.  Hinala niya na may ibang lalaki ito hanggang sa sundan ang bawat kilos ng misis.

Bandang alas-10:30 ng gabi nang umalis ang misis at umano’y may pupuntahan lamang. Sinundan ito ng mister at nakitang pumasok sa sinasabing boarding house ng nobyo, 22, sa Purok 7, Barangay Poblacion, sa bayan ng Monkayo, Compostela Valley province.

Nang makumpirma ng mister, agad itong lumapit sa Monkayo Municipal Police Station upang magpatulong.

Sa pagresponde ng mga otoridad sa naturang boarding house, naaresto nito ang mag-lovers. Naaktuhan din ng mga otoridad ang dalawa na nasa akto ng pagtatalik kaya’t agad na ipinosas.

Nakakulong sa Monkayo MPS ang misis at ang binatang ipinalit nito sa kanyang mister.

 

Related posts

Leave a Comment